By: Mine Safety, Environment and Social Development Division
INTRO
Isa akong minero.
Pero hindi lang basta bastang minero.
Isa akong millenial na minero; na may korean heart at hindi pusong bato.
Nandito para mag pakilala, ika’y ligawan at mapa-oo.
Ako ay minerong hindi basagulero, indyanero at lalong hindi babaero.
Pero ako ang minerong enhinyero, mang gugubat, at minsan sumasa-sideline rin akong hardinero niyo.
Pero, pangako, ako ang iyong minerong bae na tatawagin mong mine.
di lang kita bibigyan ng korean heart,
pati na rin ng, gold, copper, and nickel heart.
At kung hindi kita masindak sa mga brilyante kong limpak limpak
Aba, ito at tanggapin ang mga produktong kong pak na pak.
Mga smartphones, kutsara’t tinidor, pati nga construction materials, na swak na swak
Para namang maisip mong ako’y petmalung lodi boom wapak..
Pero, teka, sino ka nga ba at tila adik na adik at humaling humali ako sa sa i‘yo
Halika’t makinig, ito, ikwe-kwento ko
MIDDLE LIGHT
Ako’y nabighani at nahumaling sa iyong angking halina
Sa balat mong morena na sa ilalim ng araw ay tila gintong tinta
Sa mata mong mapungay na tagos ang dalisay mong kaluluwa
Sa labi mong nagmumula ang usal na sa akin ay nakapapagpaginhawa
Kaya naman, maraming gustong makakuha ng atensyon mo
Maraming gustong mag alay ng kanilang mga sarili para ikaw ay mapa oo
Nag-uunahan, nangangako na walang uunahing iba maliban sayo.
At eto ako, sisiguraduhing aalagaan ang ganda mo.
MIDDLE DARK
Ngunit sa kabila ng di mabilang-bilang na magaganda mong katangian,
Tila ganoon din ang dami ng mga puna at batikos sa pagmamahal kong walang alinlangan.
Matang sintalim ng punyal kung ako ay matitigan
Mga salita na parang latigo kung pumunit sa aking nararamdaman
Pero sa kabila ng lahat ng ito
marapat lang na malaman mo
Ang mga hindi kaaya ayang bagay na maaaring marinig mo
Hindi sakin pero magmumula sa ibang tao.
Addict lang raw ako sa bato
Na kailanman ay hindi na mag babago
At ang sabi nila, noon pa man
Paiiyakin lang kita ng dugo na singdami ng karagatan
Lalasunin ang mga ilog at bukal na iyong ini-inuman
At idagdag mo pa rito ang pagbubunot ko ng mga pinunlang mong kamulatan.
Bibiyakin ko lang daw ang tadyang at puso mo
At mula doon, ay titiktikin at bubungkalin ang ugat, buto’t balunbalunan mo
bubutas at mag iiwan ng malaking puwang sa iyong kaluluwa
pabaon ng pabaon sa pag pasok at pagwasak sa walang humpay na pagputok
At sa huli’y, nanakawin ang yaman at hiyas na pinakaiingatan mo
At matapos ng lahat ng ito, ay iiwan daw kitang tigang, sugatan at di na mapakikinabanagan
Doon sa malayong lugar, pababayaang nilalangaw at nakatiwang wang
Na uukit lang raw ng malalim na marka sa iyong kaibuturan
at ipapamukha sa iba kung gaano kita sinaktan at pinahirapan
Nakakakilabot hindi ba?
REDEMPTION/OUTRO
sa kabila ng tsismis na narinig mo tungkol sakin
Gusto kong sabihin na sa huli’y lahat ‘yon ay ginawa para ika’y lokohin, linlangin
Na ang kanilang mga kasinungalingan ay malayo sa reyalidad.
Dahil alam ko sa sarili ko, na nasa mga kamay ko ang tunay na pagbabago na may responsibilidad
oo inaamin ko! adik ako sa bato!
kaya nga hinayaan ko na lang matokhang mo ang puso ko
Kung nagawa man kitang paluhain ng dugo ng karagatan
Nangangako akong ito’y pupunasan ng aking pagmamahal at iiwasang muling masaktan
Kung nagawa ko mang lasunin ang ilog at bukal mong inumin.
Nangangako akong ito’y lilinisin, at ang pag aalaga sa’yo ay pag iibayuhin
Kung nagawa ko mang bunutin ang iyong kamulatan
Nangangako akong mag pupunla ng pagbabago para sa iyong kagandahan
Kung nagawa ko mang mag iwan ng marka,
Sisiguraduhin ko na ito’y marka ng aking pagibig at wala ng iba
At markang magpapa alala na ika’y minahal, mahal, at mamahalin pa, magpakailanman
Ang aking panalangin sa mga anito, diwata at kay bathala.
Na ako’y iyong pansinin at sa akin ay sa wakas mag tiwala.
Kaya sa huli’y nandiyan ang mga katagang MGB ng DENR na lagi’t lagi kong tatandaan sa aking pag ibig sa’yo
M- Millennial para sa kalikasan na mag sisibilbing pagbabago sa makabagong lipunan;
G - Gabay ang batas at boses ng taong bayan sa ating araw araw na pakikipagsapalaran; at
B - Balangkasin natin ng sabay ang daan patungo sa kaunlaran.
At sa tuwing ika’y manghihina, at mawawalan ng lakas ng loob, tandaan mo lang panata kong ito.
Na hindi b’at nandito lang ako handang mag magmahal, at mag aantay sa matamis mong oo?